Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Galvez, binisita ang isinasagawang Bayanihan Bakunahan sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Binisita ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang isinasagawang Bayanihan Bakunahan sa Bulacan.
 
Ito ay bahagi ng National Vaccination Days mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
 
Dito ay iniulat ni Gobernador Daniel Fernando sa kalihim na nasa 62,280 ang nabakunahan sa unang araw sa 98 vaccination sites sa buong lalawigan.
 
Ang nasabing bilang ay dumagdag sa nasa 2,675,067 milyong Bulakenyo na nababakunahan na. Sa loob ng bilang na ito, 1,506,821 milyon ang nakatamo na ng unang dose habang nasa 1,168,246 milyon naman ang fully vaccinated na.
 
Sa kasalukuyan, nasa 3,316, 486 milyong dosis ang naibaba na ng Department of Health sa lalawigan mula noong Marso 2021.
 
Ayon kay Galvez, masasabi nang tagumpay ang tatlong araw na Bayanihan Bakunahan sa buong bansa dahil sa mataas na turn-out ng mga karaniwang mamamayan na nais magpabakuna.
 
Sa mas pinaigting na sistema ng bakunahan, maaring magpabakuna ang mga walk-in na hindi pa nakakapagpabakuna ng unang dose.
 
Pwede ring magpabakuna rito ang mga nakatakda nang magpaturok ng booster shot sa mga fully vaccinated sa nakalipas na anim na buwan o higit pa.
 
Kaugnay nito, inabisuhan din ni Galvez ang mga pamahalaang lokal na maghikayat ng mas marami pang mga volunteers at magtayo pa ng karagdagang vaccination sites.
 
Ito’y bilang paghahanda para sa nakatakdang Round 2 ng Bayanihan Bakunahan sa Disyembre 15 hanggang 17. (CLJD/SFV-PIA 3)
 

Sinaksihan ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang ikalawang araw ng Bayanihan Bakunahan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod ng Malolos. (Shane F. Velasco/PIA 3)

About the Author

Shane Velasco

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch