Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Magkatuwang Tayo Livelihood program, inilunsad

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)--Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang "Magkatuwang Tayo Livelihood Program" katuwang ang Eupacare Marketing Inc. noong ika-26 ng Nobyembre.

Layon ng programang ito na matulungang makapagsimula ng negosyo ang mga residente ng lungsod mula sa iba-ibang sektor.

Nasa 700 miyembro ng KALIPI o Kalipunan ng Lahing Pilipino, Persons With Disabilities (PWD’s) solo parents, mga myembro ng zumba groups at mga senior citizens ang tumanggap ng libreng starter kit.

Ang pamamahagi nito ay pinangunahan nina Batangas Mayor Beverley Dimacuha at 5th District Representative Marvey Mariño.

Ang bawat starter kit ay naglalaman ng Eupacare products na nagkakahalaga ng P2,500.00 na ipagbibili ng mga benepisyaryo kung saan kabilang sa mga ito ay food supplement, handwash, alcohol, chemical free disinfectant, at plant fertilizer.

Ang mapapagbilhan ay maaring ipambili muli ng mga produkto na muli nilang ibebenta.

Ayon kay Mayor Dimacuha, ang programa ay naghahangad na makapagbigay ng maliit na negosyo na maaaring mapag-umpisahan ng mga benepisaryo kung kaya’t walang puhunan na kailangang ibalik.

“Hangad naming na mabigyan kayo ng maliit na pagkikitaan at sana ay mas mapaunlad pa ninyo ang tulong na ito na naipagkaloob sa inyo,” ani Dimacuha.

May pagkakataon ding manalo ng cash prizes ang mga beneficiaries at kanilang customers sa monthly draws at P2M sa grand raffle draw ng Eupacare sa Disyembre 24.

Sumailalim sa orientation seminar sa pagnenegosyo ang mga beneficiaries upang matiyak ang tagumpay ng naturang proyekto.  (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO Batangas City)

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Regional Editor

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch