Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 24 libong indibidwal nabakunahan sa unang araw ng Bayanihan Bakunahan campaign sa Gensan

GENERAL SANTOS CITY (PIA) -- Abot sa 24,345 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan kahapon, Nobyembre 29, dito sa lungsod sa pagsisimula ng tatlong araw na Bayanihan Bakunahan COVID-19 Vaccination Campaign ng Department of Health.

Dinagsa ng mga Generals ang iba't ibang mega vaccination sites katulad ng KCC Convention and Events Center, SM City Gensan Trade Hall, Robinson's Place Gensan, at MSU Gensan para sa 1st at 2nd dose ng A1 to A4 priority group, Rest of the Adult Population (ROAP), kasama na ang pediatric population A3 (edad 12 hanggang 17 na may commorbidity), at Rest of the Pediatric Population.

Sa huling datos na ibinigay ng City Health Office (CHO), nasa 22,423 ang nabakunahan ng 1st dose samantalang 1,661 naman ang nakatanggap ng 2nd dose, at 261 naman sa booster dose, sa unang araw ng kampanya na magtatapos ngayong Disyembre 1.

Suma total, umabot na sa 240,759 katao ang nabigyan ng first dose o 52.37 porsyento ng 459,742 target population. 174, 672 katao naman ang nabigyan ng second dose at single dose, o 37.99% ng target population habang 1,490 naman ang nabigyan ng booster shot.

Pinaaalalahanan ng LGU ang publiko na maaaring magparehistro sa TAPAT System bago pumunta sa mga vaccination sites, at magdala ng sariling ballpen, valid ID, snacks, at tubig.

Para sa mga menor de edad na magpapabakuna, kinakailangan ang kanilang birth certificate o PSA certificate, kasama ang kanilang magulang na may dalang valid ID, o guardian na may dalang authorization ng magulang ng magpapabakuna.

Inaasahan naman ngayon ni CHO Chief at Gensan IATF Incident Commander Dr. Rochelle Gajete-Oco, na mas dadami pa ang magpapabakuna sa pagpapatuloy ng nasabing tatlong araw na kampanya dahil iniimbitahan na aniya ng mga vaccinees ang kanilang nga kaibigan at kakilala na sumama na rin sa mga magpapabakuna dulot ng mas malawakang kampanya kontra COVID-19.

Layon ng CHO at ng Department of Health-Center for Health Development SOCCSKSARGEN Region, ani Oco, na makapagbakuna ng 105,267 indibidwal sa loob ng tatlong araw na kampanya dito sa General Santos. (Harlem Jude Ferolino/PIA SarGen)

About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch