Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga aktibidad isinagawa sa pagdiriwang ng National Children’s Month

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)-- Nagsagawa ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng virtual celebration ng National Children’s Month noong ika-26 ng Nobyembre 2021.

Ang  tema ng pagdiriwang ay  “New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan” .

Layunin nito na maipakita ang angking galing at talento ng mga kabataan sa Early Childhood Care and Development (ECCD).

Iba’t-ibang paligsahan na may kinalaman sa mga kabataan ang isinagawa bilang bahagi ng programa.

Tinanghal na pinakamahusay sa Paglikha at Pagbigkas ng Tula Georjeana si Marki Suarez ng Conde Itaas Child Development Center (CDC).

Napiling may Best Study Corner at Home si Mary Margarette Plada ng Bucal CDC habang nagwagi sa Palm Art Craft si Gasper Edrien Perez ng Paharang East CDC.

Nanalo naman si Angel Faith Nojalda ng Tinga Labac Centro sa paligsahan sa Pinakamagaling sa Sining gamit ang Paklang ng Saging o Banana Stalk.

Ang lahat ng nanalo ay makakatangap ng cash, gift at certificate.

Ayon kay CSWDO Officer Mila Espanola malaking tulong ang mga CDC sa lungsod sa pag-unlad ng mga bata partikular ang pangangalaga sa kalusugan ng mga ito.

Nakiisa sa pagdiriwang ang may 83 child development workers at mga batang ECCD mula sa ibat-ibang barangay. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS with reports from PIO Batangas City)

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Regional Editor

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch