Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga punong-tanod ng barangay sa San Jose, sumailalim sa BPATS Training

Mga punong-tanod ng barangay sa San Jose, sumailalim sa BPATS Training

Sumasailalim sa pagsasanay ang mga punong-T\tanod na miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs), sa Municipal Covered Court Plaza ng bayan ng San Jose. (PIA Occ Min)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Isinagawa noong Nobyembre 29 ang pagsasanay ng mga Punong-Tanod na miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs) sa Municipal Covered Court Plaza ng bayan ng San Jose.

Ang BPATs, ayon kay PLt Chona Briguera, Police Community Relations (PCR) Officer ng San Jose Municipal Police Station (San Jose MPS), ay katulong ng kapulisan sa ilan nilang tungkulin tulad ng pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa pamayanan, at pagsasagawa ng search, rescue and relief operations tuwing may kalamidad.

Maliban sa mga punong-tanod, bahagi rin ng BPAT ang Brgy Chairman, volunteers, auxiliaries, at iba pa.

Sinabi ni Briguera na mahalaga ang ginagampanan ng BPATs, kaya naman dapat ay patuloy silang nabibigyan ng kahalintulad na pagsasanay upang higit na maunawaan ang mga tungkuling iniatang sa kanila.

“Gaya ng pagpapatupad ng Municipal Ordinance 907 na kaugnay ng safety protocols laban sa Covid-19. Ang ating BPATs ay maaring manghuli ng mga lalabag sa curfew, o hindi magsususot ng face mask, at hindi susunod sa physical distancing,” pagbibigay halimbawa ni Briguera.  

Dagdag pa ng opisyal, upang matiyak na may natututunan ang mga dumalong miyembro ng BPATs sa nasabing pagsasanay, nagbibigay sila ng mga situationer upang makita kung anong aksyon ang kanilang gagawin. Nilinaw pa ni Briguera na bukod sa kanilang mga tungkulin, dapat alam din ng BPATs ang kanilang mga limitasyon upang hindi malabag ang karapatan ng kanilang constituents. (VND/PIA Mimaropa)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch