Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Puerto Princesa, nakapagtala ng mahigit 9K sa unang araw ng NVD

Puerto Princesa, nakapagtala ng mahigit 9K sa unang araw ng NVD

Mahigit 9K ang nagpabakuna sa Puerto Princesa City para sa kanilang first dose ng Covid-19 Vaccine noong Novermber 29, ang unang araw ng National Vaccination Days. (larawang kuha ni Mike Escote)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Umabot sa 9,112 ang nagpabakuna sa Puerto Princesa City para sa kanilang first dose ng Covid-19 Vaccine noong Nobyembre 29, ang unang araw ng National Vaccination Days na magtatagal hanggang December 1,2021.

Ito ang kinumpirma sa Philippine Information Agency (PIA)-Palawan ni City Health Officer at Puerto Princesa City Covid-19 Vaccination Team Head Dr. Ricardo Panganiban.

Ayon sa kaniya, napakaraming mga residente ang tumungo sa mga vaccination sites sa poblacion area  kung saan umabot pa ang bakunahan hanggang gabi.

Nalagpasan rin aniya sa unang araw ang kanilang target na 8K indibidwal bawat  araw.

Sa inilabas na datos ngayong hapon ng Puerto Princesa City Covac Team, nasa 2227 ang nabakuhan sa colisuem; 974 sa NCCC mall;1311 sa SM City; 1351 sa Robinsons Mall; 644 sa Cooperative hospital; 1957 sa Palawan National School; at 648 sa Inagawan Sub-colony.

Patuloy namang hinihikayat ni Panganiban ang mga residente sa siyudad na magpabakuna na para magkaroon ng proteksyon sa virus lalo na’t napakarami nilang inihandang bakuna.

“Nasa 70K ang inihanda nating bakuna” saad pa niya.

Sa ikalawang araw ng tinaguriang Bayanihan Bakunahan, nasa northern barangays ng lungsod ang binakunahan ng Puerto Princesa City Covid-19 Vaccination Team habang sa huling araw ay ang mga residente naman sa southern barangays ang babakunahan.

Samantala, batay naman sa tala ng DOH, umabot sa 20,658 ang nabakunahan sa lalawigan ng Palawan.(MCE)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch