Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Calabarzon, nangunguna sa ‘Bayanihan Bakunahan’ sa buong bansa

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Nangunguna pa rin ang rehiyon ng Calabarzon sa may pinakamaraming bilang ng mga nabakunahan, sa pagpapatuloy ng ‘Bayanihan Bakunahan’ massive vaccination drive ng pamahalaan.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), aabot sa 368,721 ang bilang ng mga nabakunahan sa ikalawang araw ng national vaccination days, nitong Martes, Nobyembre 30.

Mula sa bilang na ito, 324,033 ang tumanggap ng paunang dose habang 33,225 ang tumanggap ng ikalawang dose ng bakuna. Nasa 11,463 indibidwal naman na pinapahintulutang makatanggap ng booster shot ang nabigyan din ng karagdagang dose ng bakuna.

Sinundan ito ng Central Luzon na may 247,045 bilang ng mga nabakuanahan; Central Visayas na mayroong 221,481; Western Visayas na mayroong 181,948; at, Bicol Region na mayroong 175,061 bilang ng mga indibidwal na tumanggap ng bakuna.

Bagama’t bigong makamit ang 1-milyong daily vaccination target na itinakda ng National Vaccination Operations Center ay nalagpasan naman ng rehiyon ang adjusted vaccination target nito na 340,000, ayon sa DOH Region 4A.

Sa kabuuan, aabot na sa 747,672 ang bilang ng mga nabakunahan sa Calabarzon sa unang dalawang araw ng Bayanihan Bakunahan.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOH 4-A Regional Director Ariel Valencia na ang tumataas na bilang ng pagbabakuna ay patunay ng tumataas na tiwala ng publiko sa mga bakuna kontra Covid-19.

“These figures only shows that people are already acknowledging the importance of Covid vaccines to their health. Mas maraming taong nababakunahan, mas magiging protektado ang ating mamamayan laban sa Covid virus,” pahayag ni Valencia.

Dagdag pa ni Valencia, bukod sa target na itinakda ng NVOC ay nagtakda rin ang DOH 4-A ng ‘realistic goal’ na 340,000 bilang ng mga nababakunahan kada araw.

“We have set a realistic goal of at least 340,000 vaccinees daily during the 3-day NVD in order to cover all the unvaccinated eligible populations in the provinces, especially those in GIDA communities,” dagdag ni Valencia.

Tiwala ang DOH 4-A na malalagpasan pa ng mga lokal na pamahalaan ang bilang ng mga nabakunahan sa pagpapatuloy ng Bayanihan Bakunahan ngayong Miyerkules, Disyembre 1 na  higit na makakatulong upang makamit ang target na herd immunity sa rehiyon. — FC

About the Author

Fredmoore Cavan

Information Officer II

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch