GASAN, Marinduque (PIA) -- Alinsunod sa programa ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na "Barangayanihan Caravan Towards National Recovery”, matagumpay na naisagawa sa Barangay Antipolo sa bayan ng Gasan ang coastal clean-up activity na pinangunahan ng mga tauhan ng Gasan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Sangguniang Barangay (SB).
Kabilang sa mga nakibahagi ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers buhat sa ibat’t ibang sektor tulad ng Kabataan Kontra Droga at Terorista o KKDAT gayundin ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) at Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT members).
Samantala, pagkatapos ng nasabing gawain ay isang feeding activity naman ang naganap para sa mga nakilahok sa aktibidad.