Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga bayan sa NV nabigyan ng tulong mula sa DA

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Tumanggap ng tulong mula sa Department of Agriculture (DA) at Provincial Government ang mga Municipal Local Government Units (MLGUs) kamakailan sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Tinanggap ito ng mga MLGUs sa pamamagitan ng kanilang mga Municipal Agriculture Officers (MAOs) matapos ang isinagawang Technical Briefing at Launching ng nasabing programa sa Nueva Vizcaya Convention Center (NVCC).

Sa bayan ng Bambang, tinanggap ni Mayor Pepito Balgos ang isang certificate mula sa PLGU at DA na magbibigay ng 5, 500 bags na inbreed seeds para sa mga magsasaka ng bayan.

Ayon kay Balgos, pakikinabangan ito ng nasa 2,200 na magsasaka sa darating na 2022 dry season.

“Malaking tulong ito para sa ating mga magsasaka na naghihikahos dahil sa kasalukuyang pandemya. Kami po ay nagpapasalamat sa tulong ng DA at provincial government,” pahayag nito.

Ang RCEF ay taunang ibinibigay ng DA sa mga PLGUs upang matulungan ang mga magsasaka sa panahon ng dry at wet season sa tulong ng MLGUs.(MDCT/BME/PIA 2 NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch