Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P3.3M halaga ng barangay hall binuksan sa Maguindanao

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Nasa kabuoang P3,388,333.33 halaga ng barangay hall ang binuksan kamakailan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Barangay Banubo, Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Ang dalawang palapag na barangay hall ay pinondohan sa ilalim ng Bangsamoro Appropriations Act 2020 at itinayo sa pamamagitan ng FM4 Builders Contractor.

Sinabi ni MILG Minister Naguib Sinarimbo na ang barangay hall ang magsisilbing sentro ng paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa mga malalayong lugar sa rehiyon.

Ibinahagi rin ni Sinarimbo na abot sa 250 na mga barangay hall ang itatayo sa buong rehiyon na laan para sa mamamayang Bangsamoro.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si Barangay Banubo Chairman Mohalidin Abas para sa nasabing proyekto na aniya ang kanilang barangay hall ang naging pioneering project na unang natapos ng ministry. (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch