Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Turismo ng Puerto Princesa City, bubuksan na

Turismo ng Puerto Princesa City, bubuksan na

PUERTO, PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Maaari nang mamasyal sa Puerto Princesa City ang mga turista simula sa December 8, 2021 dahil bubuksan na ang turismo ng  siyudad, subalit limitado lamang sa mga domestic tourist.

Ito ang inanunsyo ni Atty. Norman Yap, ang tagapagsalita ng City Inter-Agency Task Force sa online presser ng City informartion Department noong Nobyembre 30.

“So simula Miyerkoles sa susunod na linggo, magsisimula na tayong tumanggap ng mga domestic tourist na nag-comply sa mga kundisyon ng tourism bubble," pahayag pa niya.

Batay sa panuntunan, ang tinutukoy na domestic tourist ay ang mga residente ng Pilipinas na fully-vaccinated at hindi ang mga turista na galing sa ibang bansa.

Aniya, maaari ring  isama ng isang domestic tourist  ang kaniyang  immediate family members tulad ng kaniyang mga magulang, lolo at lola, anak at apo  na  hindi bakunado  dahil hindi pa maaaring bakunahan tulad  ng mga batang 12 taong  pababa at ang  miyembro ng pamilya na hindi maaaring bakunahan dahil sa may karamdaman.

Inanunsyo ni Atty. Norman Yap, tagapagsalita ng City Inter-Agency Task Force sa online presser ng City Information Department noong November 30,2021 na magbubukas na ang turismo ng Puerto Princesa City simula December 8,2021 para sa mga domestic tourist.(Larawan mula sa City Tourism Office)

Dapat ang mga turista aniya ay makapagpakita ng negative antigen sa pamamagitan ng nasopharyngeal o oropharyngeal swab test sa loob ng 24 oras bago dumating, nakapre-book sa hotel na pinapayagan  ng Department of Tourism (DOT) na magbukas ngayong may pandemya at sertipikado ng City Tourism Office (CTO) na sumusunod sa Tourism Bubble protocols.

Kailangan rin nilang magsumite ng kanilang point-to-point itineraries sa CTO habang nasa siyudad para sa pagtasa nito at pag-apruba at mayroon na ring return ticket.

Nagkasundo rin aniya ang LIATF na hanggang apat na araw at tatlong gabi lang papayagang manatili sa siyudad ang isang domestic tourist. Dahil sa pagbubukas ng turismo, ang dating 80 pasaherong sakay ng eroplano na pinapayagan ng LIATF ay itinaas na sa 160 pasahero kada byahe. (MCE/PIA-MIMAROPA, PALAWAN)


About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch