Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Usapang turismo at pangkabuhayan, tinalakay

Usapang turismo at pangkabuhayan, tinalakay

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Bilang hamon sa panahon ng pandemya, masusing tinalakay ni Ms. Lisa Cochico-Acob, pangulo ng Hotel and Resorts Association of Calapan (HRAC) ang kalagayan ng turismo sa lalawigan sa ginanap na Dagyaw Open Government Virtual Town Hall Meeting ngayong araw, Disyembre 1.

Ayon kay Acob, ang industriya ng turismo ay isa sa pinakamatinding naapektuhan ng pandemyang COVID-19 na kung saan libo libong pamilya at indibiwal ang naka-depende sa trabahong may kaugnayan sa turismo.

“Apektado ang 419 accommodation establishments na ang 33,399 na mga manggagawa ay nawalan ng kita at pinagkakabuhayan,” paliwanag ni Acob.

Dahil dito, lumikha ang COVID-19 ng ilang “questions of survival” dahil sa pagkakatanggal ng maraming mga manggagawa, pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo sa lalawigan.

“Kabuhayan ng mga mamamayang Mindoreño ang isa sa nalugmok dahil kay COVID-19,” dagdag ni Acob.

Si Lisa C. Acob, isa sa Townhall Reporter na nagbigay ng ulat tungkol sa senaryong kinakaharap ng mga negosyanteng nasa hanay ng turismo. (Kuhang screenshot: Luis T. Cueto)

Sa kaniyang pagtalakay ukol sa turismo at pangkabuhayan, sinabi ni Acob na ang kalagayang mental ng mga negosyante at mga manggagawa ay pawang naapektuhan din ng pandemya.  Aniya, mas naging hamon sa kanilang mga negosyante na tulungan ang mga manggagawang naka-depende sa kanilang mga negosyo.

Tinalakay din ni Acob ang mga mahahalagang aral mula sa pandemya tulad ng kahalagahan ng pagsunod sa safety protocols.  Ang tamang inobasyon ang sagot para mapababa ang cost of operations.  Isa rin aniyang aral dito ay ang kahalagahan ng buhay at pamilya.

Samantala, unti-unti nang bumabalik sa normal ang takbo ng kalakalan sa turismo sa lalawigan na kung saan ay marami na ring pumupuntang mga turista sa iba’t ibang lugar sa lalawigan, partikular sa bayan ng Puerto Galera na kilala sa magagandang beach at diving sites sa lalawigan ng Oriental Mindoro.  (LTC/PIA-OrMin)

About the Author

Luis Cueto

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency

Oriental Mindoro Information Center

Office Address:  Provincial Capitol Compound, Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro, PH 5200

Email Address: luis.cueto@pia.gov.ph

iNFORM.  iNSPIRE.  iNNOVATE

 

Proud Divinista!

 

Feedback / Comment

Get in touch