Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

10th Juvenile Justice Welfare Consciousness Week, ipinagdiwang sa Lungsod ng Batangas

LUNGSOD NG BATANGAS (PIA)—Nagsagawa ang Batangas  City Social Welfare & Development Office (CSWDO) ng isang virtual celebration bilang paggunita sa 10th Juvenile Justice Welfare Consciousness Week noong ika-25 ng Nobyembre, 2021.

Ang pagdiriwang na may temang “Batang Handa at May Alam Kaisa sa Pagharap sa Bagong Normal”  ay nilahukan ng mga batang kinakalinga ng CSWDO sa Bahay Pag-asa kasama ang kanilang mga magulang.

Ayon kay Mila Espanola, pinuno ng CSWDO ang Bahay Pag-Asa ay ang Intensive Juvenile Intervention and Support Center ng lungsod na gumagabay sa mga batang edad 12-15 na nakagawa ng krimen.

Bukod sa mga kabataang naligaw ng landas tumatanggap din dito ng mga inabandonang mga sanggol.

Ayon naman kay Social Welfare Officer III Charity Nunez, nakapagtala ng 32 kabataan na may kaso ng ipinagbabawal na gamot at pagnanakaw noong 2019 at bumaba sa bilang na 16 na kaso noong 2020 dahil sa pandemya.

Sa kasalukuyan, may 16  na kaso ang tinututukan ngayon ng CSWDO bunsod ng bahagyang pagluwag ng restrictions kung saan maaari nang lumabas ang mga kabataan.

Tinalakay ni Susan Lacieras mula sa Home Extension Division ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ang mga livelihood programs na ipinagkakaloob ng kanilang tanggapan upang matulungan ang mga magulang ng mga kabataang ito.

Nagbigay naman ng mahahalagang impormasyon  si Teresa Blanco, isang Registered Psychologist hinggil sa pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan o Mental Health para maiwasan ang anxiety o depression na nararanasan ng isang tao.

Naging bahagi din ng programa ang  video message ng OFW at dating juvenile delinquent na si Donbee Fabian na nagbahagi ng kanyang karanasan kung paano siya nagbago at kung paano niya napaunlad ang kanyang sarili. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Regional Editor

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch