Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

5-in-1 Paskong Masaya sa Puerto Princesa, isinagawa kagabi

5-in-1 Paskong Masaya sa Puerto Princesa, isinagawa kagabi

Matapos buksan noong Disyembre 1 sa isinagawang 5-in-1 Paskong Masaya sa Puerto Princesa, ang Interactive Waterpark na isa sa mga atraksiyon ngayon sa Balayong People’s Park ay bukas na at matutunghayan ito araw-araw 4:00-10:00 PM. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isinagawa sa ika-unang gabi ng Disyembre ang 5-in-1 Paskong Masaya Sa Puerto Princesa bilang hudyat ng isang buwang selebrasyon ng Kapaskuhan sa lungsod.

Tinaguriang 5-in-1 ang nasabing aktibidad dahil limang major events ang binuksan at napanood kagabi tulad ng Christmas Concert, Christmas Message ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron, Lighting A Tree, Grand Pyromusical Display, at ang Commissioning ng Interactive Waterpark.

Sa mensahe ni Mayor Bayron, sinabi nito na sa loob ng 29 taon, simula Disyembre 1993 ay isinasagawa na sa Puerto Princesa ang Community Christmas Tree lighting ceremony na inaabangan at dinadaluhan ng libo-libong mamamayan ng lungsod.

“Ang pagpapailaw ng Community Christmas Tree ngayong gabi ay hudyat sa pagbubukas ng pagdiriwang ng ating Kapistahan ng Pasko, pagsalubong sa bagong taon at pagsimula ng gradual re-opening ng ating local economy at ng ating tourism industry,” and mensahe pa ni Mayor Bayron.

Sinabi din nito na nawa’y ang christmas tree na ito ay magpaala-ala sa lahat ng tunay na diwa ng Pasko, ang pagdating ng manunubos na naging daan, upang magkaroon tayo ng kapatawaran ng kasalanan, magkaroon tayo ng kaligtasan at pag-asa ng buhay na walang hanggan.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga piling mamamayan ng lungsod, partikular na ang mga bakunado upang masunod ang ipinatutupad na health protocols sa lungsod.

Samantala, ang Interactive Waterpark na isa sa mga atraksiyon ngayon sa Balayong People’s Park ay bukas na at matutunghayan ito araw-araw mula 4:00-10:00 PM.  Kinakailangan lamang na makapagpatala sa pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa ang mga nagnanais na pumunta sa nasabing parke upang ma-kontrol ang dami ng bisita. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch