51,137 jabs ang naisagawa sa tatlong araw na NVD sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Umabot sa 51,137 jabs ang naisagawa sa buong lalawigan ng Palawan sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Days noong Nobyembre 29-Disyembre 1, 2021.
Ayon ito sa National Vaccination Day Quick Count partial and unofficial results na inilabas ng Provincial Information Office (PIO) kaninang 12:00 ng hating gabi
Ang nasabing bilang ay katumbas ng 142.04% ng National Vaccination Day target jabs commitment ng lalawigan.
Ang daily target jabs commitment ng lalawigan ay 13,878 o kabuuang 41,634 jabs sa loob ng tatlong araw.
Inanunsiyo naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na pinalawig hanggang Disyembre 3, 2021 ang Bayanihan, Bakunahan sa Provincial Health Office at sa lahat ng mga pampublikong ospital na pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan, alinsunod sa Advisory No. 112 o itong Philippine COVID-19 Vaccine Deployment and Vaccination Campaign. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)