Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong panuntunan para sa inbound travelers sa Puerto Princesa, inilabas

Bagong panuntunan para sa inbound travelers sa Puerto Princesa, inilabas

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Naglabas ng bagong quarantine protocols para sa mga  inbound travelers ang Local Inter-Agency Task Force against Covid-19 ng Puerto Princesa City sa pamamagitan ng inaprubahang Resolution No.71 series of 2021 na may petsang November 29, 2021.

Ayon kay Atty. Norman Yap, tagapagsalita ng LIATF, ang general rule, kapag bakunado o naka-isang dose pa lang,  isasailalim sa mandatory facility based quarantine sa loob ng sampung araw ang isang inbound traveler pero kapag fully vaccinated naman ay pitong araw lang. Dagdag pa niya, ang unvaccinated at partially vaccinated ay  kailangan ring mag-home quarantine ng apat na araw pagkatapos ng kanilang facility based quarantine.

Kinumpirma ni Atty. Norman Yap,tagapagsalita ng Puerto Princesa City Inter-Agency Task Force against Covid-19 na nagpasa sila ng isang resolusyon na naglalaman ng panuntunan para sa mga inbound travelers.(screen shot mula sa online virtual presser ng City Information Department)

Samantala, kabilang naman  aniya sa mga hindi na kailangang sumailalim sa kwarantina ay ang mga Overseas Filipino Workers (OFW), National Government  Authorized Person Outside Residence (APOR) na may kinalaman sa vaccination program at amelioration program. Ang APOR naman na fully vaccinated  at magtatagal sa siyudad ng  apat na araw o mas mababa ay hindi na kailangang  isailalim sa facility based quarantine pero kailangang sa hotel o establisyemento na binabantayan ng LGU sila manatili.

Ang mga returning residents na fully vaccinated ay kailangan na lang sumailalim sa home quarantine ng pitong araw pero kailangang ang mga kasama nila sa bahay ay fully vaccinated rin at  kung may 12-17 taong gulang na kasama, dapat ay  bakunado kahit isang dose, may hiwalay na kuwarto at magpa-antigen test sa ikaliwa o ikapitong araw ng pagdating.

Sinabi pa ni Atty. Yap na lahat ng mga inbound travelers ay dapat may negative RT-PCR Test sa loob ng 48 oras bago dumating maliban na lamang kung  isangg returning residents na fully vaccinated. Ang mga fully vaccinated na APOR na mananatili sa lungsod ng apat na araw o mas mababa at domestic tourist ay hindi na rin kailangang ng RT-PCR test, subalit kailangang nilang magbigay ng  negative antigen test sa loob ng 24 oras bago dumating.

“Ang antigen test kasi ay mas mura at mabilis makuha ang resulta,” pahayag pa ni Atty. Norman Yap.

Ang mga APOR naman na mananatili sa siyudad ng lagpas sa apat na araw ay kailangang sumailalim sa antigen test sa ikalima o di kaya ay sa ikapitong araw ng pananatili habang ang APOR na mananatili ng apat na araw o mas mababa  ay kailangang sumailalim sa antigen test sa ikalawang araw.(MCE/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch