Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

32 former rebels, tumanggap ng tig-P20,000 Livelihood Settlement Grant

32 Former Rebels, tumanggap ng tig-P20,000 Livelihood Settlement Grant

Tatlumpu’t dalawang former rebels (FR) ang pinagkalooban ng P20,000 bawat isa, bilang Livelihood Settlement Grant (LSG). (E. Gadiano)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Tatlumpu’t dalawang former rebels (FR) ang pinagkalooban kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng P20,000 bawat isa, bilang Livelihood Settlement Grant (LSG) sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Tinanggap ng mga FR ang nasabing tulong-pinansyal sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na siya ring nanguna sa pagtukoy sa mga dating rebelde na kwalipikado sa naturang benepisyo, at nag-asikaso ng kanilang mga dokumento upang patuloy silang makatanggap ng tulong. Katuwang ng nabanggit na tanggapan ang Police Provincial Office gayundin ang Philippine Army (PA). 

Ayon kay Rosalina Lamoca, opisyal ng PSWDO, sa ilalim ng SLP, patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng kabuhayan ng mga dating rebelde kasama ang pamilya ng mga ito. Ito, ayon sa opisyal ay upang magabayan ang mga FR at mahatiran ng programa na makakatulong sa mga ito. 

Kabilang sa support programs ng PSWDO, bukod sa tulong-pinansyal, ay ang ugnayan sa ibang ahensya na makapagbibigay ng mga training programs na maaring pagkakitaan ng FR. 

Kasama sa mga ginawaran ng cash grant ay mga katutubo na napilitang sumuporta sa makakaliwang grupo ngunit kinalaunan ay mas piniling magbagong-buhay at bumalik sa poder ng pamahalaan. 

Samantala sa social media post ni Governor Eduardo Gadiano kaugnay ng nasabing pamamahagi, binanggit nito ang kahalagahan ng Executive Order #70, na aniya'y nagtatakda ng pagsama-sama ng mga ahensya ng pamahalaan upang tuluyang matapos ang problema ng bansa sa insurhensya. (VND/PIA MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch