Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bgy Drug Clearing Program Infomercial Contest, bukas sa mga kabataan

LUNGSOD QUEZON, December 3  (PIA)--- Hanggang ngayong araw  lang maisusumite ang mga entry sa para sa Barangay Drug Clearing Program informercial Making Contest.

Ang patimpalak ay bukas sa mga miyembro ng Sanggunian Kabataan at mga youth organization

Nilalayon ng BDCP Informercial paigtingin pa ang kaaalaman ng publiko hinggil sa bawal na gamot at yakagin ang mga kabataan na tumulong sa kampaya kontra iligal na droga sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano sinisinira nito ang buhay, pamilya at ang kanilang kumunidad.

Ang mga mananalong entry ay magkakamit ng mga cash prizes: Php 20,000 para sa first place; Php 17,000 (2nd place) Php 15,000 (3rd Place); Php 12,000 (4th Place); at Php 10,000 (5th Place).

Consolation prizes naman ang matatanggap ng mga entry na hinid magwawagi.

Narito ang iba pang mga patakaran sa BDCP Informercial Making Contest:

Hindi lalagpas ng lima (5) minuto ang isusumiteng video na tatalakay sa Barangay Drug Clearing Program.

Pinapaboran ng mga hurado na may voice over ang video entry para magpaliwanag sa nilalaman nito.

Sasabihan ang mga kalahok kung kalian gaganapin ang judging date sa official Facebook Page ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa at ng mga miyembrong Regional ICAD Mimaropa.

Lahat ng mga mananalong entry ay magiging pag-aari ng PDEA Mimaropa.

Para sa detalye ng BDCP Informercial contest, tumawag sa 09192388813 at hanapin si Faye Maaño.

Ayon kay Gracel Luna, Regional BDCP Team Leader ng PDEA Mimaropa, ang BDCP ay may tatlong paraan para malutas ang  problema ng iligal na droga sa barangay: 1) Suppliy Reduction kung saan hinuhuli at ipinakukulong ang mga drug pusher; 2) Demand Reduction sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga seminar na tatalaakay sa mapanirang buhay ng iligal na droga; at 3) Pagbibigay ng wastong pagtulong sa mga sumukong drug pusher at mga drug dependents sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng rehabiltasyon.

Sa 1,460 na barangay sa Mimaropa, 336 ang sinasabing walang kasaysayan ng iligal na droga o unaffected mula inumpisahan ang BDCP noong Oktubre 2016, 

Ang mga barangay na sumailalim sa BDCP at nadeklarang drug free barangay ay umabot sa 952.

Sa ngayon, may 172 na barangay ang tinutukan ng PDEA Mimaropa at iba pang mga awtoridad para mawala ang impluwensya ng iligal na droga.

Mayroon ding  'Drug Free Province' ang Mimaropa. "Ang Province of Marinduque ay Drug Free Province since February 26, 2020 at nasustain pa rin ng lalawigan hanggang ngayon," sabi ni Bb. Lano sa isang panayam sa Layag Mimaropa ng Radyo Pilipinas Lucena. (LP)




Nagpapaliwanag si Ms. Gracel Lano ng PDEA tungkol sa BDCP sa Mimaropa

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Central Office

Feedback / Comment

Get in touch