
ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Sinimulan na noong Disyembre 2 ang pagbibigay ng booster shoot para sa mga adult population sa bayan ng Odiongan.
Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa adult general population noong Disyembre 1.
Ayon sa Rural Health Unit ng Odiongan, ang mga nakatanggap ng second dose noong Mayo ang pwede na mabakunahan ng booster shots.
Kasama rin dito ang mga nakatanggap ng Janssen vaccine noong Agosto.
Sa inilabas nilang chart, dapat ay naka-anim na buwan munang nabakunahan ng Sinovac, Astrazenica, Pfizer, Moderna, at Sputnik bago makatanggap ng booster shoot, at tatlong buwan naman kung Janssen. (PJF/PIA Mimaropa)