Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Austrian Ambassador, bumisita sa Puerto Princesa

Austrian Ambassador, bumisita sa Puerto Princesa

Nag-courtesy call noong Disyembre 7 kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron si Her Excellency Bita Rasoulian, ang Austrian Ambassador to the Philippines.(larawan mula kay Michie Meneses ng City Tourism Office)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Bumisita sa Puerto Princesa City noong Disyembre 7 ang Austrian Ambassador to the Philippines na si Her Excellency Bita Rasoulian.

Ayon kay City Tourism Office Senior Operations Officer and Promotions Marketing Chief Michie Hitosis-Meneses, nag-courtesy call ang ambassador kay City Mayor Lucilo Bayron.

Nagpasalamat rin aniya ito sa alkalde dahil sa tulong ng pamahalaang lungsod sa mga Austrian Nationals na na-stranded sa siyudad dahil sa Covid-19 pandemic.

Aniya, napag-usapan rin ng dalawa ang tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng siyudad sa mga bagay na may kinalaman sa industriya, pangkalusugan, pulitika at marami pang iba.

Nagpahayag rin aniya ang bisita ng pagtulong sa lokal na pamahalaan  lalo na sa mga problemang pang-kalusugan.

Isang non-government organization (NGO) rin sa siyudad ang pinasyalan ng ambassador. (MCE/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch