Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mindanao State U, magkakaroon ng sangay sa Palawan

Mindanao State U, magkakaroon ng sangay sa Palawan

Pinangunahan nina Palawan Governor Jose Ch. Alvarez, MSU System President Dr. Habib Macaayong, Bataraza Mayor Abraham Ibba at iba pang mga opisyal ang groundbreaking ceremony ng Mindanao State University (MSU)-Bataraza Satellite Campus noong Disyembre 6, 2021. (Larawan mula sa PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Magkakaroon na ng sangay ang Mindanao State University (MSU) sa Palawan matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony nito noong Disyembre 6, 2021.

Ang groundbreaking ceremony ay pinangunahan nina Palawan Governor Jose Ch. Alvarez, MSU System President Dr. Habib Macaayong, mga opisyales ng Bataraza sa pangunguna ni Mayor Abraham Ibba at mga opisyales at ilang empleyado ng Mindanao State University.

Ang nasabing sangay ay papangalanang Mindanao State University (MSU)- Bataraza Satellite Campus na matatagpuan sa Bgy. Inogbong, Bataraza, Palawan kung saan magkakaroon ito ng isang tatlong palapag na gusali na mayroong 18 silid-aralan at isang dalawang palapag na admin building.

Ang pagtatayo ng nasabing unibersidad ay sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, MSU at ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bataraza.

Sa impormasyong ibinahagi ng MSU, ito na ang ika-12 sangay ng MSU at ito rin ang kauna-unahang sangay ng MSU na nasa labas ng Mindanao.

Noong Hulyo 2021, nagsimula ang MSU Extension Program sa bayan ng Bataraza sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement sa pagitan ng MSU at ng lokal na pamahalaan ng Bataraza.

Ang mga estudyanteng nais mag-aral sa MSU-Bataraza campus ay maaaring kumuha ng mga sumusunod na kurso: Bachelor of Business Administration (Major in Economics, and Major in Entrepreneurial Marketing), BS Nursing, Bachelor of Science in Mining Engineering, Bachelor of Science in Teaching Arabic, Bachelor of Arts in Shariah (Major in Islamic & Jurisprudence), Bachelor of Science in Eco-Tourism, Bachelor of Science in Information Technology, Bachelor of BS Fisheries, Bachelor of Science in Agri-Tourism, Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education, at AB Political Science. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch