Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

OCD, nagbigay ng family boxes, generator sets sa Palawan

OCD, nagbigay ng family boxes, generator sets sa Palawan

Pinagtulungang buhatin ng mga tauhan ng PDRRMO Palawan ang mga OCD family boxes at generator sets na dumating noong December 6,2021 para ilagay sa kanilang bodega.(larawan mula sa PDRRMO).

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagbigay sa Lalawigan ng  Palawan noong Disyembre 6, 2021 ang  Office of Civil Defense ng 300 OCD Family Boxes at 11 Generator Set bilang ‘pre-position’.

Sa panayam ng PIA Palawan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Jeremias Y. Alili, sinabi niya na kabilang sa nilalaman ng OCD family boxes ay ang  kitchen sets, sleeping kit at hygiene kit na ibibigay sa mga maapektuhan ng anumang sakuna.

“Binibigay siya sa mga families na nasira ang bahay halimbawa magkaroon ng disaster, totally damage o wipeout ang bahay o masunog ang bahay,  walang natira sa kanilang mga gamit, yun ang mga binibigay natin” pahayag pa ni ALili.

Ilalagay aniya sa mga munisipyo ang mga ito para kung may maganap na sakuna ay mayroong maibibigay sa mga biktima.

Nagpasalamat naman si Alili sa Western Command dahil ang barko ng Naval Forces West na BRP Dagupan City (LS 551) ang ginamit sa pagdala ng mga kagamitan, aniya, malaking katipiran ito sa kanila dahil sa kaniyang tantya gagastos ng mahigit P250K kung isasakay sa commercial vessel.

Samantala, kinumpirma naman ni Sheila Marie S. Reyes, Civil Defense Officer/ Field Offiicer for Palawan, OCD Mimaropa na sa mga island municipalities ilalagay ang mga generator sets. (MCE/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch