Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

4 Sitio Electrification Projects ng TIELCO, NEA, tapos na

Napailawan na bago mag-Pasko ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) ang tatlong Sitio sa Calatrava at San Jose, Romblon na matagal ng hindi naabot ng kuryente. (Photo from TIELCO FB Page)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Napailawan na bago mag-Pasko ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) ang tatlong Sitio sa Calatrava at San Jose, Romblon na matagal ng hindi naabot ng kuryente.

Ayon kay TIELCO General Manager Dennis Alag, ang mga sitio na ito ay ang Upper Tondo at Purok 1 sa Barangay Linao, Calatrava; at Sitio Upper Pawa sa Barangay Combot, San Jose.

Bahagi ang nasabing proyekto ng Sitio Electrification Projects na pinondohan ng National Electrification Administration (NEA) para sa taong 2021.

Ngayon ay hindi na magtitiis sa lampara ang mga residente ng lugar dahil magkakaroon na sila ng supply ng kuryente na matagal na rin nilang ginugusto pero pahirapang maabot dahil sa layo ng mga nabanggit na sitio.

Napailawan na rin bago mag bagong taon ang Sitio Lumandong sa Bgy. Limon Norte sa Looc, Romblon. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch