Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NTF-RTF ELCAC, nakakatulong sa DAR at iba pang ahensiya

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Nakakatulong ang mga programang nasa ilalim ng NTF-RTF ELCAC sa mga ahensiya ng pamahalaan.

“Yung aming mandate (Department of Agrarian Reform o DAR), malaking naitutulong sa peace and order. Pero kami mas naappreciate naming ang nagagawa ng NTF-ELCAC dahil yung mga lupang ipinamimigay naming ay nagkakaroon ng kalsada at iba pang imprastraktura,"ayon kay DAR Secretary Bernie Cruz,

Sa ilalim ng mga programa ng ELCAC, ang mga benepisyaryo sa mga lugar na dating ginugulo ng mga komunistang terroristang grupo ay nagpapanukala ng mga proyektorng pang-imprastraktura para makabangon ang kanilang mga kabuhayan.

Sa press conference para sa Certificate of Land Ownership Award (CLOA) para sa mga agrarian reform beneficiaries sa Oriental Mindoro, ikinuwento ni Secretary Cruz na nakatulong ang proseso ng NTF-RTF ELCAC para matuloy ang paggawad ng lupa mula sa Mindoro State University (MINSU) sa kanilang may 202  benepisyaryo.

Ayon sa kalihim, hindi madali ang pagsakop sa nasabing mga lupain sa programa ng DAR dahil hanggang sa kahuli-hulihulihan ay may mga kumokontra sa distribusyon kahit may CLOA na.

Pero dahil sa pulong ng NTF-RTF ELCAC na dinaluhan ng Pangulong Duterte sa Calapan City ilang linggong nakaraan, sinabi ni Secretary Cruz, nabuhayan ng loob ang mga taga-DAR.

“Napapayag namin, sa pamamagitan ng negosasyaon, na ituloy ang pamimigay (ng lupa) dahil makikinabang ang mga magsasaka doon. Nagpaliwag sila roon na ito ay kautusan ng Presidente. Kung patuloy na nakatiwangwang ang lupa at hindi nagiging productive, tapos import tayo nang import ng pagkain natin, mas maganda na mapakinabangan ito ng mga mamamayang Pilipino,” sabi ni Secretary Cruz.

Kasama ng Kalihim sa pulong balitaan sina Undersecretary for Field Operations Elmer Distor, DAR Mimaropa Regional Director Marvin Bernal, Oriental Mindoro PARPO Isagani Domingo at ang iba pang mga DAR official.

Ang lupain ay may kabuoang lawak na 552 ektarya na sakop ng agrarian reform program sa lupain ng MINSU, alinsunod sa Executive Order No. 75 Series of 2019 ng Pangulong Duterte. (LP)


Sumasagot si DAR Mimaropa Regional Director Marvin Bernal sa ilang mga katanungan sa pulong balitaan habang nakikinig naman sina Acting DAR Secretary Bernie Cruz (kaliwa) at Provincial Agrarian Reform Program Officer II Isagani Placido ng Oriental Mindoro. Ang pulong balitaan ay para sa COA signing para sa may 202 Agrarian Reform Beneficiaries sa Orientall Mindoro. (LP)

About the Author

Lyndon Plantilla

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch