Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mataas na lider ng NPA sa Cagayan, boluntaryong sumuko dahil gustong ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Ang pagnanais na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ang isa sa mga nagtulak sa isang binatang dating rebelde upang boluntaryong sumuko sa sa pwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 2 nitong ika-13 ng Enero.

Ayon kay Police Capt. Louie Jay Felipe, commander ng 203rd Maneuver Company - RMF, kimilala ang dating lider sa alias na "JAMES/JUMONG/JADEN", vice commanding officer 2 ng West Front Komprob Cagayan. Siya ay 26 anyos, binata, at residente ng San Mariano, Lal-lo Cagayan.

“Bumaba ako at tuluyan nang magbalik-loob sa pamahalaan dahil gusto kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo at magkapagbagong buhay ng masaya at tahimik na kasama ang aking pamilya”, ani ni Ka James.

Ayon sa kanya, siya ay unang sumama sa teroristang grupo noong Disyembre 2016 upang maghahatid lamang ng mga relief goods sa Barangay Lipatan, Sto Niño, Cagayan ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang anibersaryo ng kilusan.

Nagsimula siya na bagong kasapi ng grupo noong Enero ng taong 2017.

Isiniwalat rin niya na sumailalim siya sa iba’t ibang pagsasanay at kasama rin siya sa mga karahasang ginagawa ng teroristang grupo sa lalawigan ng Cagayan at karatig-lugar.

Matagumpay ang naging boluntaryong pagsuko ng dating opisyal dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng RMFB 2, Regional Group for Special Concern 2, ang S2 ng RMFB, 202nd Mobile Company, Regional Intelligence Division 2; 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 2, Lal-lo Municipal Police Station, 501st Infantry Brigade, 17th Infantry Battalion Philippine Army, 77th Infantry Battalion PA, at 51st Military Intelligence Company.

Samantala, patuloy ang panawagan ng kapulisan at kasundaluhan sa mga nalalabi pang miyembro ng teroristang grupo na boluntaryo ng sumuko kasama ng kanilang mga armas at maniwala sa mga programang inihanda ng pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay na kapiling ang kanilang mga pamilya na may katahimikan at saya. (MDCT/Report mula sa 203rd Manuever Company, RMFB 2/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Editor

Region 2

Dje, as he is fondly called by his colleagues, is a blogger and volunteer during weekends, a government information officer during weekdays, a licensed professional teacher and registered ECT by profession and has an intimate relationship with writing.

Feedback / Comment

Get in touch