Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Palawan PHO-Molecular Biology Lab, nagsasagawa na ng RTPCR Testing

Palawan PHO-Molecular Biology Lab, nagsasagawa na ng RTPCR Testing

Kasama na sa listahan ng Department of Health (DOH) bilang isa sa 310 licensed COVID-19 testing laboratories sa Pilipinas ang Provincial Health Office – Molecular Biology Laboratory ng Palawan batay sa listahang inilabas ng DOH nitong Enero 10, 2022. (screenshot from DOH website)


PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagsasagawa na ng Real Time Polymerase Chain Reaction (RT–PCR) Testing ang Provincial Health Office-Molecular Biology Laboratory (PHO-MBL) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan simula nitong Enero 17.

Ang nasabing laboratoryo ay kasama na sa listahan ng Department of Health (DOH) bilang isa sa 310 licensed COVID-19 testing laboratories sa Pilipinas, batay sa listahang inilabas ng DOH nitong Enero 10, 2022.

Nito lamang Enero 13 ay nakapagsagawa na ng ‘referal orientation’ si Cyrus Cecilio Caabay, Medical Technologist III at kasalukuyang Program Manager ng PHO-MBL sa mga medical technologists ng mga Rural Health Unit (RHUs) at mga pampribado at pampublikong ospital sa buong Palawan.

Ang aktibidad na ito ay bilang paghahanda sa pagtanggap ng lahat ng specimen referrals na magmumula sa buong lalawigan at upang malaman ng mga ospital, RHUs at Municipal Health Offices (MHOs) ang magiging proseso at mga gagawin sa pagsisimula ng operasyon ng nasabing laboratoryo.

Buwan ng Abril 2021 ng pasinayaan ang nasabing laboratoryo sa pangunguna mismo nila Palawan Governor Jose Ch. Alvarez, DOH Assistant Secretary Dr. Maria Francia M. Laxamana, DOH-MIMAROPA Regional Director Dr. Mario S. Baquilod at OIC-Provincial Health Officer Dr. Faye Erika Q. Labrador.

Naitayo ito sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng DOH kung saan mahigit sa P9M ang inilaan dito ng pamahalaang panlalawigan mula sa  COVID-19 Response Fund at mahigit P10M naman ang inilaan ng DOH mula sa Bayanihan Act Grant.

Apat na medical technologists at SARS-COV-2 Analyst ng pamahalaang panlalawigan na sina Program Manager Caabay, Norry Fe-An T. Payopelin, Aljen Rey G. Napila, Mykeane Maej'g J. Gualdrapa ang mangangasiwa sa PHO-MBL sa patnubay naman ng kanilang hepe na si Dr. Perla E. Palao-Banzuela na isang Pathologist.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang apat na COVID-19 Testing Laboratory mayroon sa Palawan ang GeneExpert Testing Laboratory sa Ospital ng Palawan, ang Puerto Princesa City Molecular Laboratory ang COVID-19 Testing Laboratory sa Culion sanitarium and General Hospital at ang Palawan PHO-Molecular Bio Lab. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch