Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

'Resbakuna sa Botika,' inilunsad sa Metro Manila

NTF against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) - - Inilunsad ng pamahalaan katuwang ang pribadong sector ang programang Resbakuna sa Botika ngayon Huwebes sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

Pinangunahan nina, National Task Force against COVID Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon, Trade & Industry Secretary Ramon Lopez at ibat iba pang opisyal ng nasyunal at local na pamahalaan kasama ng pribadong sector ang paglulunsad ng programa sa National Capital Region (NCR) na tatagal hanggang Biyernes, Enero 21, 2022.

Nakipagtuwang ang pamahalaan sa pitong drugstores at klinika bilang vaccination sites sa layuning mapabilis at mapalawak ang isinasagawang immunization program sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19 dulot na din ng higit na nakahahawang Omicron variant.

Ayon kay Presidential adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon hiniling ng National task Force against COVID-19 ang pakikipagtulungan ng ga pribadong drugstores at klinika matapos magpositibo sa COVID ang maraming personnel sa ibat ibang vaccination sites.

Kailangan natin kumilos ng mabilis upang matugunan ang problema at marami sa ating vaccinators ang nagkakasakit,” pahayag ni Dizon sa pakikipagpulong noong Lunes, Enero 17 kay Pangulong Rodrigo Duterte. “Nais naming magpasalamat sa pribadong sector sa mabilis nilang tugon sa kahilingan ng pamahalaan.”

Ang mga sumusunod na drugstores at klinika ang nakilahok at patuloy na magbibigay ng booster shots hanggang Biyernes sa Metro Manila: Mercury Drug Malate sa Quirino Avenue; Watsons, SM Supercenter sa Pasig; Healthway Manila clinic; South Star Drug sa Marikina; Generika Drugstore Signal 1 sa Taguig; The Generics Pharmacy sa Parañaque at Qualimed Clinic, McKinley Road sa Makati.

Samantala, sinabi din ni Dizon na matapos ang paglulunsad ng Resbakuna sa Botiko sa NCR, gagawing din ito sa iba’t ibang lugar ng bansa upang higit na maraming mabakunahan laban sa COVID-19. (PIA-NCR)



About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

Current Officer-in Charge of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch