Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Renewal ng mayors permit ng mga TODA, pinalawig

Renewal ng mayors permit ng mga TODA, pinalawig

Ang mga tricycle driver at operator ng Bancao-Bancao TODA habang naghihintay ng pasahero sa Rizal Avenue, Puerto Princesa City. (Larawan ni Mike Escote/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, PALAWAN, (PIA) -- Inaprubahan ng Sangguniang Panlunsod  sa kanilang regular na sesyon noong Enero 17, 2022 ang panukalang resolusyon ni City Councilor Peter Maristela na palawigin hanggang sa Marso 30, 2022 ang renewal ng mayors permit at pagbabayad ng annual supervision fee ng mga tricycle driver at operator  sa Puerto Princesa City na nakatakda sana mula Pebrero 1-28, 2022 lang.

Ayon kay Maristela, layunin nito na matulungang makapag-ipon pa ng pambayad ang mga tricycle driver at operator dahil bukod sa pandemya ay marami rin ang nasalanta dahil sa  bagyong Odette.

“Sapagkat alam naman natin yung hirap na nararamdaman ngayon ng ating mga traysikel drayber at operator, nadagdagan pa nitong nagdaang bagyo kaya naisipan nating i-extend ng 30 araw,” pahayag pa ni Maristela.

Samantala, sinabi naman ng tricycle driver at operator na si Ginoong Marcelo Salvador, 68, ng Bancao-Bancao TODA na napakalaking bagay aniya ito para makaipon pa sila  ng pambayad dahil hindi naman ganoon kalakas ang pamamasada ngayon.

Aniya, nasa mahigit P800 ang kanilang babayaran sa pagrerenew ng mayors permit at iba pang mga bayarin. Kung maipapatupad ang resolusyon, nasa humigit kumulang limang libong traysikel drayber at operator ang matutulungan. (MCE/PIA-MIMAROPA, PALAWAN)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch