Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Limitadong face-to-face classes sa Marinduque, nagsimula na

BOAC, MARINDUQUE (PIA) -- Aabot sa 1,403 ang inaasahang bilang ng mga mag-aaral na magbabalik-eskwela sa Marinduque matapos aprubahan ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na may mababang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Sa isang press conference na inorganisa ng Department of Education (DepEd), ipinahayag ni Dr. Nicolas T. Capulong, regional director ng DepEd-Mimaropa na nakatakda nang mag-umpisa ang limitadong face-to-face classes sa 23 piling paaralan sa probinsya sa Lunes, Pebrero 21.

Ito ay matapos pumasa ang walong elementary school at 15 national high school sa lalawigan sa isinagawang safety assessment ng DepEd.

Kabilang ang Bantay Elementary School, Banuyo Elementary School, Bicas-Bicas Elementary School, Matuyatuya Elementary School, Kamandugan Elementary School, Buyabod Elementary School, Ino Elementary School at Santa Cruz East Central School sa mga paaralan sa elementarya na magbubukas na para sa limitadong face-to-face classes.

Isa ang Mongpong National High School sa bayan ng Santa Cruz sa 23 paaralan sa buong Marinduque na nakapasa sa safety assessment ng Department of Education para sa pagbubukas ng limitadong face-to-face classes sa bansa. (Larawan mula sa DepEd-Marinduque)

Tiniyak ni Capulong na sapat ang mga pasilidad ng nabanggit na mga paaralan para magpatupad ng mga health protocol laban sa COVID-19.

Dagdag pa ng panrehiyong direktor, bakunado ang lahat ng gurong sasabak sa face-to-face classes upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyanteng kabilang sa naturang pilot implementation.

Nilinaw naman ng DepEd-Marinduque na hindi lahat ng grado sa isang paaralan ay magkakaroon ng face-to-face learning.

Sa ngayon aniya, ay ang mga nasa kindergarteen hanggang baitang tatlo at baitang 11 hanggang baitang 12 pa lamang ang pinapayagang magbukas para sa expansion ng limited F2F habang ang ibang mag-aaral ay magpapatuloy sa modular learning o blended learning system.

Samantala, ang mga sekondaryang paaralan na pasado sa school safety assessment ng kagawaran ay ang Bagtingon National High School, Bangbang National High School, Botilao National High School, Cawit National Comprehensive High School, Landy National High School, Makapuyat National High School, Maranlig National High School, Marinduque National High School, Matalaba National High School, Matuyatuya National High School, Mongpong National High School, Sayao National High School, Tagum National High School, Tiguion National High School at Yook National High School. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch