No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dalawang barangay sa Ilocos Norte nabenepisyuhan ng BDP

LAOAG CITY, Mar. 15 (PIA) – Aabot sa isang daang residente ng Barangay Cacafean, Marcos, at Barangay Payac, Bangui, sa Ilocos Norte ang naging benepisyaryo ng Barangay Development Program (BDP) na nailunsad noong Marso 8 at 9.


Ang BDP ay programang parte ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, isang whole of nation approach na naglalayong mailapit ang mga programa ng gobyerno sa mga malalayong komunidad sa bansa.


Pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Ilocos Norte ang pagtatayo ng ‘TESDAmayan’ community pantry, libreng gupitan, enrollment sa Organic Agriculture Production at enrollment sa pagkabit ng mga solar-powered LED lights na ilalagay sa kanilang komunidad.


Aabot sa 51 na residente ng Brgy. Cacafean, Marcos, Ilocos Norte ang nabenepisyuhan ng 'TESDAmayan' community pantry na parte ng Barangay Development Program. (EJFG, PIA Ilocos Norte)
Libreng medical checkup ang hatid ng mga Caregiving graduates ng TESDA sa mga residente ng Brgy. Cacafean, Marcos, Ilocos Norte, sa paglunsad ng Barangay Development Program. (EJFG, PIA Ilocos Norte)

Mayroon ding libreng pre-medical checkup service at nagpamahagi ang mga Caregiving graduates ng TESDA mula sa IGAMA Colleges Foundation.


Samantala, tinalakay naman ng mga kinatawan ng mga iba’t ibang National Government Agencies (NGAs) and kanilang mga programa na parte ng Poverty Reduction, Livelihood and Development Cluster na maaaring i-avail ng mga benepisyaryo.


Kabilang na dito ang mga loan projects ng Landbank, emergency employment programs ng Department of Labor and Employment (DOLE), mga tulong pangkabuhayan ng Department of Trade and Industry (DTI), at mga tulong pang magsasaka ng Department of Agriculture.

Tinalakay ni Mr. Nestor Pascual, ang acting Provincial Director ng TESDA Ilocos Norte ang mga programa ng kanilang institusyon na maaaring i-avail ng mga residente sa Brgy. Payac, Bangui, Ilocos Norte (EJFG, PIA Ilocos Norte)
Tinalakay ni Mr. Sonny Alegre, manager ng Landbank, San Nicolas, Ilocos Norte ang kanilang mga loan offers na maaaring i-avail ng mga benepisyaryo ng BDP sa Brgy. Payac, Bangui, Ilocos Norte. (EJFG, PIA Ilocos Norte)

Si Abelino Baligkot, isang benepisyaryo na may furniture business mula sa Brgy. Payac, Bangui ay may balak na mag-avail sa programa ng DTI upang siya ay makakuha ng makinarya na makakatulong sa kanyang negosyo.

“Ang masasabi ko sa programang ito ay napakagandang programa dahil may iba’t ibang ahensya na nagpaalam ng programa nila. Maraming-maraming salamat sa programang ito dahil nagbigay pa sila ng mga ayuda,” ani Gemma Corminal, isa pang benepisyaryo mula sa Brgy. Payac, Ilocos Norte. (JCR/EJFV, PIA Ilocos Norte)

About the Author

Emma Joyce Guillermo

Information Officer 1

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch