Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Monitoring sa mga 'substandard' na produkto, isinagawa ng DTI sa Boac

BOAC, Marinduque -- Masinsinang nagsagawa ng monitoring activities laban sa mga uncertified at non-conforming o substandard na mga produkto ang Department of Trade and Industry (DTI)-Marinduque sa 28 establisyemento sa bayan ng Boac, kamakailan.

Pangunahing tiningnan ng Provincial Monitoring and Enforcement Team (PMET) ang mga produktong sakop ng Bureau of Philippine Standards (BPS) mandatory certification kagaya ng household appliances, steel products, plastic pipes & ceramic products, consumer electronics, lighting & wiring devices, cement & other construction materials, chemical products, automotive-related products at iba pang consumer products.

Ayon sa DTI-Marinduque, layon ng gawain na matiyak na nakapasa sa quality standard ang mga produkto na nabibili ng consumer sa mga palengke at iba pang business establishments.

Nagsasagawa ng monitoring sa mga substandard na mga produkto sa bayan ng Boac ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry. (Larawan mula sa DTI-Marinduque)

Kaakibat din aniya ng kanilang ginawang monitoring ay ang siguraduhin na ang lahat ng produktong ibinebenta partikular ang electrical at home appliances ay silyado at may marka ng Philippine Standard (PS) Certification o Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Tiniyak naman ng tanggapan na patuloy nilang susubaybayan ang iba pang establisyemento upang mas mapalawig ang kredibilidad ng naturang mga negosyo gayundin para masiguro ang kalidad ng mga produkto na ihahatid sa bawat mamimili. (RAMJR/CLM/PIA MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch