Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cuyo District Hospital, ika-13 ospital na naipatayo ng LGU-Palawan

Cuyo District Hospital, ika-13 ospital na naipatayo ng LGU-Palawan

Si DOH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana ang nag-abot ng symbolic key kay Dr. Kenneth I. Antonio, Medical Specialist II at kasalukuyang OIC-Chief of Hospital kaugnay sa pagpapasinaya ng Cuyo District Hospital nitong Marso 16. (Larawan mula kay Rogie Florida/PIO-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pinasinayaan na ang bagong Cuyo District Hospital sa munisipyo ng Cuyo noong Marso 16.

Ito na ang ika-13 ospital na ipinatayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, katuwang ang Department of Health (DOH) at Pamahalaang Bayan ng Cuyo.

Ang 50-bed Cuyo District Hospital ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inilaang pondo dito ng pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng P89M at P37M naman ang mula sa DOH.

Upang masiguro ang dekalidad na serbisyong pangkalusagan mula sa bagong ospital ay naglaan din ang pamahalaang panlalawigan ng karagdagang mahigit P20M na ibinili ng mga bagong laboratory equipment at P16M para sa paglalagay ng centralized oxygen plant sa bagong ospital.

Nagkaloob din ang DOH ng karagdagang mahigit P30M na donasyon upang makumpleto ang medical at laboratory equipment ng Cuyo District Hospital.

Ang pagpapasinaya nito ay pinangunahan nina DOH Assistant Secretary Maria Francia Laxamana at Bise Gobernador Victorino Dennis M. Socrates.  Nakiisa din sa pasinaya si 1st District Congressman Franz Josef E. Alvarez at iba pang opisyales mula sa pamahalaangpanlalawigan, Lokal na Pamahalaang Bayan at Barangay ng Cuyo at Magsaysay.

Matapos mapasinayaan, ang nasabing ospital ay agad na maghahatid ng direktang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng bayan ng Cuyo, Magsaysay at mga karatig islang munisipyo nito tulad ng Agutaya. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch