Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng gupit, manicure handog ng PENRO-Marinduque sa mga kababaihan

BOAC, Marinduque (PIA) -- Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women's Month, naghandog ng libreng pang-relax (hair straightening treatment) at pampaganda para sa mga kababaihan ang Provincial Environment and Natural Resources (PENRO)-Marinduque, kamakailan.

Ayon kay Imelda M. Diaz, provincial environment and natural resources officer, layunin ng gawain na bigyang pagkilala ang kontribusyon ng mga empleyadong babae at mga kliyente ng kanilang ahensya.

"Bilang pagpupugay sa sektor ng kababaihan, nagkaroon po tayo ng aktibidad kung saan ay naghandog ang tanggapan ng libreng manicure at pedicure para sa ating magigiting na Juana," ani Diaz.

Maliban sa mga kababaihan, nag-enjoy rin ang mga kalalakihan at ang mga senior citizen sa alay na libreng gupit at masahe ng DENR.

Kabilang sa serbisyong handog ng DENR-Marinduque ay ang libreng masahe, gupit, gayundin ang pedicure at manicure. (Larawan mula sa PENRO)

"Hindi lamang si Juana ang ating sinerbisyuhan, pati na rin si Juan dahil malaki rin ang ginagawa nilang gampanin para sa ating mga kababaihan," dagdag ng opisyal.

Ang programa ng PENRO-Marinduque na 'Serbisyo Para Kay Juana at Juan' ay alinsunod sa Proklamasyon Bilang 224 kaakibat ang Linggo para sa Kababaihan, Araw ng Karapatan ng Kababaihan at Pandaigdigang Kapayapaan kung saan ang tema ngayong taon ay 'We Make Change Work for Women' na binuo at inumpisahang gamitin noong 2017. (RAMJR/CLM/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch