Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kahalagahan ng Mandanas Ruling, tinalakay sa LMP General Assembly

LUNGSOD NG BATANGAS(PIA)—Dumalo at nakiisa si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa isinagawang dalawang araw na General Assembly ng League of Municipalities (LMP) sa Lungsod ng Pasay noong ika-1 ng Marso.

Naging sentro ng pagtitipon ang pagkakaisa ng pamahalaang nasyunal at mga lokal na pamahalaan para sa mas matibay at patuloy na pagpapaunlad sa gitna ng pandemyang nararanasan.

Nabigyan ng pagkakataon si Governor Mandanas na maibahagi ang kahalagahan ng Mandanas Ruling na itinuturing na isang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema kung saan itinatama ang pagkalkula ng pamahalaang nasyunal ng pondo na nararapat sa mga lokal na pamahalaan.

Sa pagpapatupad ng Mandanas Ruling, mas mapapalawak na ang pagpapaganap ng desentralisasyon sa gobyerno na magpapalakas ng mga serbisyo at programa ng mga lokal na pamahalaan simula sa taong ito.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 138 noong Hunyo 1, 2021 na nagbibigay gabay sa pagpapatupad ng kautusan ng Korte Suprema.

Alinsabay nito, nakipagpulong din ang Gobernador sa mga punongbayan ng lalawigan ng Batangas kung saan naging paksa ang pagtaas ng budget ng bawat bayan at barangay. Tinalakay din ang mga programang magkatuwang na ipatutupad sa mga susunod na taon. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas with PIO Batangas Province)

About the Author

Kier Gideon Paolo Gapayao

Information Officer III

Region 4A

Feedback / Comment

Get in touch