Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

20 pamilya sa Sitio Lumandong, napailawan na sa pamamgitan ng SEP

Napailawan na ang may aabot sa 20 pamilya sa Sitio Lumandong sa Limon Norte, Looc, Romblon, sa tulong ng prorama ng Tablas Island Electric Cooperative at ng National Electrification Administration. (Larawan mula sa Looc PIO)

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Napailawan na ang may aabot sa 20 pamilya sa Sitio Lumandong sa Limon Norte, Looc, Romblon sa tulong ng prorama ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) at ng National Electrification Administration (NEA).

Ayon kay Rene Coching, isa sa mga nakatira sa sitio, ay napakalaking tulong ang nasabing pagkakaroon ng kuryente sa kanilang lugar dahil tiyak na makakatulong ito sa pag-aaral ng mga kabataan doon.

Naging matagumpay ang Energization Ceremony na isinagawa ng TIELCO noong Marso 23 sa ikaapat na BAPA na maipailawan sa pamamagitan ng Sitio Electrification Program (SEP) ngayong taon.

Samantala, nanumpa sa katungkulan ang mga opisyales ng Barangay Power Association (BAPA) Lumandong sa harap ni Mayor Lisette M. Arboleda.

Nangako ang mga opisyales ng BAPA Lumandong na paghuhusayan ang tungkuling nakaatang sa kanila para sa ikakaunlad ng kanilang asosasyon at sa ikabubuti ng kanilang sitio. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch