Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

6 na kababaihan sa BARMM binigyang parangal

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Binigyang parangal ng pamahalaan ng BARMM sa pamamagitan ng Bangsamoro Women Commission (BWC) ang anim na kababaihan mula sa iba’t-ibang mga sektor sa rehiyon para sa kanilang mga naging kontribusyon sa kapakanan ng kababaihang Moro.

Ayon kay BWC Chairperson Bainon Karon, layon nito na kilalanin ang malaking kontribusyon ng mga kababaihan sa komunidad, pamilya, at para sa pagiging isang huwarang indibidwal.

Kabilang sa nabigyan ng mga parangal ay sina Dr. Anna Zenaida Unte Alonto, Hadja Nabiha Noni Lao, Prof. Dalomabi Bula, Dr. Shahera Lucman, Nairah Mindalano Tambir, at Shri Tahanie Macaumbao.

Sila ay nakatanggap ng tig P20,000 at plaque of honor sa isinagawang Search for Bangsamoro Advocates 2022 awarding ceremony noong Lunes sa lungsod ng Cotabato.

Ang pinarangalang kababaihan ay kilala sa kanilang pagsusulong sa edukasyon, gender and development, at pangangalaga sa internally displaced persons, kabataan, at kapaligiran.  (With reports from BIO-BARMM).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch