Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

12 na miyembro ng BIFF sumuko sa mga awtoridad sa Maguindanao

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Abot sa 12 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nag o-operate sa probinsya ng Maguindanao ang nagbalik-loob kamakailan sa pamahalaan at itinurnover ang kanilang mga armas.

Sa isang pahayag, sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central (JTFC) Commander Major General Juvymax Uy na ang 12 na miyembro ng BIFF, kabilang ang dalawang sub-leaders nito ay sumuko sa 40th Infantry Battalion (40IB) sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa nabanggit na probinsya.

Dagdag pa rito, sinabi ni 40IB Commander Lt. Colonel Edwin Alburo na ang sumukong mga rebelde ay nakaranas ng hirap at gutom habang umiiwas sa mga operasyon ng militar sa kagubatan at ilog ng Maguindanao.

Kabilang sa kanilang mga itinurnover na armas ay dalawang M14 rifles, dalawang M16 rifles, isang carbine rifle, dalawang 50-caliber barret sniper rifles, dalawang 9mm submachine guns, isang 40mm rocket-propelled grenade launcher, dalawang M79 grenade launchers, at isang 40mm ammunition.

Samantala, base sa datos ng JTFC ay abot na sa 100 na miyembro ng BIFF ang sumuko simula noong Enero ng taong kasalukuyan. (With reports from 6th Infantry (Kampilan) Division).


About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch