Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

BikeCINATION project, lubos na napakikinabangan sa Cotabato

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Lubos na napakikinabangan dito sa lalawigan ang proyektong BikeCINATION ng Department of Labor and Employment o DOLE.

Bawat BikeCINATION kabuhayan kit ay mayroong mountain bike, food delivery box, smartphone, at personal protective equipment tulad ng helmet at reflector.

Sa isinagawang monitoring ng DOLE-Cotabato Province kamakailan, ilang mga benepisyaryo ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa ayudang natanggap sa ilalim ng nabanggit na proyekto.

Sinabi ni Annabel Alcalah, isa sa mga benepisyaryo, nakatitipid sa gastusin ang tulong na natanggap dahil hindi na aniya kailangan pa ng pamasahe sa paglalako ng paninda. Ginagamit din niya ang cellphone para sa kanyang load business.

Sa lalawigan ng Cotabato, abot sa 16 ang benepisyaryo ng proyekto. Ang mga benepisyaryo na pawang mga delivery rider at naglalako ng mga pagkain ay mula sa mga bayan ng Libungan, M’lang, Pigcawayan, at Kabacan.

Binigyang-diin ni DOLE XII regional director Raymundo Agravante na patuloy ang pagtulong ng ahensya sa mga manggagawa lalo na yaong mga nasa informal sector.

Ang BikeCINATION ay proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP. Ito ay laan para sa mga mahihirap na manggagawa, kasali ang mga nasa A4 category na nakakuha na ng dalawang dose ng bakunang COVID-19. (With reports from DOLE-Cotabato Province)




About the Author

Shahana Joy Duerme

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch