Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Cotabato CHO pinag-iingat ang residente dahil sa pagtaas ng kaso ng Dengue

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Matapos makapagtala ng 303 percent na pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod nitong taon kumpara sa mga kasong naitala noong 2021, nagpalabas ng paalala ang Cotabato City Health Office (CHO) sa mga mamamayan ng lungsod upang maagapan ang posibleng pagtaas pa ng mga kaso.

Sa datos na ipinalabas ng CHO, abot sa 129 kaso ng Dengue ang nakumpirma mula Enero hanggang Abril 12 nitong taon habang nakapagtala ng isang nasawi dahil sa sakit na nabanggit.

Sa kabuuan ng mga kaso, 98 ka-tao dito ang na admit sa ospital dahil sa dengue.

Paalala ng CHO na huwag hayaan na mag nakatenggang container na may tubig na pwede itlogan ng mga lamok, panatilihing malinis ang paligid, at makiisa sa fogging activities na gagawin kada barangay kung kinakailangan.

Hinihikayat din nila ang pagsusuot ng mga damit na may mahahabang manggas at pantalon lalo na kapag nasa labas ng bahay.

Payo pa ng opisina na kumunsulta agad sa doktor kung makaramdam ng sintomas ng dengue tulad ng higit sa dalawang araw na lagnat, pasusuka, at pagkahilo.

Patuloy naman umano ang awareness campaign ng CHO sa buong lungsod upang mas maging responsable ang bawat mamamayan lalo pa ngayong sunod-sunod din ang buhos ng ulan sa lugar. (ACB/PIA Cotabato City)

About the Author

Allan Biwang Jr.

Information Officer II

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch