Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Farm business school inilunsad ng BARMM sa Maguindanao

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inilunsad kamakailan ng pamahalaan ng BARMM sa pamamagitan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ang Farm Business School (FBS) program sa tatlong mga bayan sa Maguindanao.

Sinabi ni MAFAR Supervising Agrarian Reform Program Officer Bai Shaharazad Lidasan na sa pamamagitan ng programa ay tuturuan ang mga benepisyaryong magsasaka ng farm management techniques, mula sa produksyon hanggang sa marketing upang madagdagan at matiyak ang kalidad ng kanilang mga ani, maitaas ang kita, at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng FBS ang Bunawan Tri-People Marketing Cooperative sa Datu Paglas Municipality na may 30 magsasaka na nagpatala, Mamalu Tabunaway Descendants Organization sa Datu Odin Sinsuat na may 25 enrollees, at Maaden Irrigators Association sa Datu Saudi Ampatuan na may 20 enrollees.

Dagdag pa rito, ang FBS ay alinsunod sa programa ng Department of Agrarian Reform na idinisenyo upang bigyang kakayahan ang mga magsasaka na paunlarin ang kanilang entrepreneurial skills at iba pa.

Samantala, kasabay ng aktibidad ay lumagda sa isang kasunduan ang MAFAR kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan bilang pangako na kanilang susuportahan ang programa at tulungan ang mga benepisyaryong magsasaka. (With reports from BIO-BARMM). 



About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch