Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DICT, ibinahagi ang mga gampanin sa nalalapit na eleksyon

LUNGSOD NG CABANATUAN (PIA) -- Ibinahagi ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang mga gampanin para sa nalalapit na halalan.
 
Sa isang virtual presser, sinabi ni DICT Region 3 Project Development Officer Mark Kenneth Dionisio na patuloy pa din ang mga hakbang na isinasagawa ng ahensya kabilang na rito ang pakikipagtulungan sa Commission on Elections o COMELEC at Department of Education upang magkaroon ng digital signature at masanay ang mga guro at election officers na magbabantay sa buong panahon ng botohan. 
 
Lumagda ng kasunduan ang COMELEC at DICT para sa hosting, development at security testing ng COMELEC website at iba pang web application o online services na kailangan para sa eleksiyon tulad ng voters registration status verifier, precinct finder, online certification application at pati na ang paglalathala ng magiging resulta ng halalan.
 
Kaniyang binigyang diin na well-trained ang mga kawani ng ahensya at sinisigurong mayroong 24/7 security services para sa pagpapagana ng mga web application na kinabibilangan ng security operations center, cyber threat monitoring and information sharing, vulnerability assessment and penetration testing at incident response. 
 
Ibinalita din ni Dionisio ang iba pang mga programa ng ahensiya sa rehiyon tulad ang mga active sites ng Free Wifi For All na gumagana 24/7 sa iba’t ibang panig ng rehiyon gayundin ang mga Tech4ED Centers na nakalatag sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga paaralan sa Gitnang Luzon.
 
Ang bawat Tech4ED centers ay mayroong tatlong laptop, printer, internet connection at iba pang ICT gadgets na maaaring magamit ng mga mamamayan ng libre para sa pagsasaliksik ng mga impormasyong kailangan para sa eleksiyon tulad ang pagtukoy ng presintong pagbobotohan at iba pang may kaugnayan sa halalan.  (CLJD/CCN-PIA 3)

Ibinahagi ni Department of Information and Communications Technology Project Development Officer Mark Kenneth Dionisio ang mga gampanin ng ahensya at pagkikipagugnayan sa mga kagawaran ng pamahalaan hinggil sa mga isinasagawang paghahanda para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo. (Camille C. Nagaño/PIA 3)

About the Author

Camille Nagano

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch