BAGUIO CITY (PIA) -- Tiniyak ng ilang kandidato ang patuloy na pagsusulong sa minimithing otonomiya para sa Cordillera.
Sa ginanap na "Conversations on Autonomy", inihayag ni Baguio City incumbent and mayoralty candidate Benjamin Magalong na kailangang tutukan ang mga kabataan upang mas maipakilala at maipaliwanag sa kanila kung ano ang otonomiya.
"Tutukan na natin ang mga kabataan natin ngayon. Sila na ngayon ang e-educate natin. Because at the end of the day, hindi sila 'yung others. They are critical, and they are an integral part now of development and growth," giit ni Magalong.
"Everybody has to be involved. No one has the monopoly of knowledge that's why we have to consult everybody and get the best we can, base our decision to somewhat address the problems in the question as well as development," saad ni Domogan.Aniya, sa ngayon ay tumaas na rin umano ang kaalaman ng mga mamamayan sa rehiyon kaugnay sa isinusulong na otonomiya.
Sa virtual message naman ni Ifugao gubernatorial candidate Thomas Tundagui Jr., iginiit nito na kailangang ipagpatuloy ang laban para sa Cordillera Autonomy.
Sa virtual message naman ni Ifugao gubernatorial candidate Thomas Tundagui Jr., iginiit nito na kailangang ipagpatuloy ang laban para sa Cordillera Autonomy.
"We will not be doing this just for ourselves but this will be a gift to our children and to our children's children. Therefore, we must unite and be one to fight for this autonomous region," ani Tundagui.
Isinagawa ang Conversations on Autonomy, Timek Para Iti Otonomiya (Voice for Autonomy) upang malaman ang paninindigan ng mga kandidato ng rehiyon kaugnay sa isinusulong na otonomiya ng Cordillera. Gayunman, hindi nakadalo ang ilang kandidato dahil sa problema sa internet connectivity.