Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kampanya para sa payapa at matagumpay na halalan mas pinalakas sa Basilan

ISABELA CITY, Basilan, May 03 (PIA) – Puspusan ang kampanya ng iba’t ibang sektor sa probinsya ng Basilan upang maitaguyod ang isang ligtas at mapayapang halalan sa darating na Mayo 9 ngayong taon.

Ang Ministry of Public Order and Safety (MPOS) na isa sa mga bagong opisina sa rehiyon ng Bangsamoro ay nagsagawa ng mga radio advocacy sa Dxno Radyo Komunidad, kasama ang Commission on Elections, Ministry of Interior and Local Government, mga pulis at kasundaluhan upang maibahagi ang mga pangunahing alintunin na kailangan na maipatupad sa loob ng election period.

Lumahok din ang iba't-ibang mga sektor sa probinsya sa isinagawang Unity Walk kamakailan.

Upang mas mapaigting naman ang adbokasiya sa mga komunidad, sa pangunguna ng MPOS at sa pakikipagtulungan sa COMELEC, MILG, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at ng Philippine Information Agency, binisita ng mga ito ang barangay Seronggon Hadji Mohammad Ajul, Albarka, at Sumisip at nagsagawa ng peace advocacy against election-related violence.

Lumahok sa aktibidad ang mga kinatawan ng ibat-ibang sektor sa komunidad at ilang mga kandidato sa lokal na posisyon sa Hadji Mohammad Ajul.

Ipinaliwanag ni Election Officer Nilbert Paller and mga alintutunin sa nalalapit na halalan. Nanawagan din siya sa mga ito na makipagtulungan sa mga awtoridad upang maiwasan nila ang mga pangyayari o kaguluhan na mapasailalim sa COMELEC control ang kanilang lugar sa araw ng halalan.

Sa Albarka naman, nanawagan si LTC Cyril Santander ng 18th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mga mamamayan na magkaisa at makipagtulungan upang ang layuning magkaroon ng payapang halalan ay makamtan. Aniya napakahalaga ang partisipasyon ng komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Pinaalalahanan din ni Election Officer Jeffrey Uy ang mga mamayan ng Albarka na sa araw ng halalan, kailangan pa rin nilang tandaan at sundin ang mga standard health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, ang paghuhugas at pagsasanitize ng kanilang mga kamay at ang alamin ang mga tamang impormasyon.

Sa Sumisip, nanawagan si Election Officer Ruayna Sayyadi na tulungan ang mga guro na magsisilbi sa election upang maging maayos ang proceso ng halalan sa Sumisip at buong Basilan.

Sa bahagi naman ng MILG, ipinaliwanag ni LGOO Manessa Castro sa mga mamamayan ng tatlong munisipyo ang mga alintuntunin na kailangang sundin ng bawat kandidato, mga supporters nito at mga mamayan sa panahon ng kampanya. Binigyang diin din nya ang kahalagahan ng respeto sa bawat isa upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaguluhan.

Ang kahalagahan ng tamang impormasyon upang maintindihan ng mga mamamayan ang mga alituntunin sa panahon ng kampanya at sa araw ng halalan ay binigyang diin ng Philippine Information Agency. Ang bawat mamamayan ay hinikayat na makipagtulungan upang labanan ang fake news lalo na sa mga komunidad.

Bahagi rin ng aktibidad ang signing of Peace Covenant bilang simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang payapa, maayos at matagumpay na halalan 2022.

Ang peace advocacy ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna ng Ministry of Public Order and Safety sa Basilan. (RVC/EDT/NDR/PIA9-Basilan)

About the Author

Nilda Delos Reyes

Information Officer I

Region 9

Feedback / Comment

Get in touch