Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 1,800 Bicolanos, nakinabang sa Duterte Legacy Caravan

Ibinida rin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict

LEGAZPI CITY, Albay (PIA) -- Iba’t ibang serbisyo at programa ang inihatid sa humigit 1,800 Bicolanos ng mga advocacy support groups mula sa iba’t ibang panig sa rehiyon ng Bicol sa isinagawang Duterte Legacy Caravan sa PRO5 Grounds Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City nitong Lunes.

Pinangunahan ng Philippine National Police Region 5 ang pagdaraos ng nasabing caravan. Ito rin ay dinaluhan ng higit sa 20 regional line agencies and force multipliers na nagkaisang maghatid ng tulong at suporta sa mga dumalo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Police Brigadier General David Peredo Jr., deputy regional director for administration ng PRO5, na ito ay alinsunod sa pagsasakatuparan ng layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat mamamayan. 

Ayon kay USEC Jonathan E. Malaya, undersecretary for plans, public affairs and communications ng DILG, ang caravan ay isang programa sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Aniya, dahil sa malasakit at kahusayan ng kapulisan, nakamit ang pinakamababang crime rate sa buong bansa. Bagama't malaki ang hamon sa usapin ng kapayaan dito sa rehiyon, mataas pa rin ang pag-asa ng kawani na makamit ito dahil sa pinagsanib pwersa ng mga ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.

Ipinagmalaki din ni National Intelligence Coordinating Agency Regional Director Vert Chavez ang NTF-ELCAC bilang isa sa mga legasiyang iiwan ng kasalukuyang administrasyon.

Samantala, nagpahayag ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo regional president ng kanyang mensahe para sa mga kabataan.

"Dahil sa programang Duterte Legacy, dito makikita, mararamdaman, naappreciate natin and extraordinaryng ginagawa ng ating gobyerno sa tulong ng iba’t ibang ahensya," pagbabahagi ni KKDAT Regional President Rimell Faith Torre.

Isang dating former rebel ang nagbigay ng kanyang patotoo sa kanyang buhay bilang isang rebelde at ngayong sumuko na sa pamahalaan. 

Siya din ay nananawagan sa lahat ng mga Bicolano na huwag magpalinlang sa anumang paraan na panrerecruit ng communist-terrorist groups.  (PIA5/KAVB)

About the Author

Keren Anne Bernadas

Writer

Region 5

In the service of Him who governs the whole world

Feedback / Comment

Get in touch