LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Ilan lamang ang mga bansang Estados Unidos (US) at China sa mga bansang nagpaabot ng pagbati sa naging maayos na pagdaraos ng 2022 elections.
Ayon kay U.S Secretary of State Anthony Blinken, handa silang makipagtulungan sa administrasyon bilang matagal nang magkaibigan ang dalawang bansa.
Kinilala rin ng Estados Unidos ang pagkapanalo ni Marcos.
Ayon naman kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian, binabati rin nila ang mga kandidatong nagwagi sa halalan.
Patuloy din aniya silang makikipag-tulungan sa pagpapanatili ng magandang relasyon ng dalawang bansa at makabangon na mula sa COVID-19 pandemic.
Sinabi naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na panahon na upang magkaisa at maghilom ang mga Pilipino.
Ayon kay Andanar, habang hinihintay pa ang official at final results ay dapat isaalang-alang ng publiko na patunay ang halalan sa matibay na sistema ng demokrasya sa bansa. (PIA-NCR)