Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Face-to-face graduation sa PLMar gaganapin sa Hunyo

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na gaganapin sa darating na Hunyo ang face-to-face graduation sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar).

“Dahil sa pagtutulong-tulong nating pababain ang COVID-19 cases sa Marikina at gawing ligtas ang lungsod para sa pagsasama-sama, masaya kong ipinababatid sa mga magsisipagtapos at kanilang mga pamilya na sa taong ito, face-to-face ang graduation ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina (PLMar) sa mga petsa na ito: Hunyo 22 para sa Graduate School; Hunyo 22-23 para sa Kolehiyo; at sa Hunyo 28-29 para sa Senior High School,” ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde sa mga magtatapos para sa taong ito.

“Batid ko na ang graduation ay isang makasaysayang academic at family milestone at magkakasama natin itong ipagdiriwang.” (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Editor

Feedback / Comment

Get in touch