Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

5 bayan, 1 lungsod sa Bulacan wala nang aktibong kaso ng COVID

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) -- Limang bayan at isang lungsod sa Bulacan ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19.
 
Ito ang mga bayan ng Norzagaray, Balagtas, Guiguinto, Paombong at Plaridel at ang lungsod ng Meycauayan.
 
Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, nasa 65 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong probinsya.
 
Sa kabuuan umaabot na sa 109,419 ang kumpirmadong kaso ng sa lalawigan kung saan 107,668 ang naka-rekober na habang 1,686 ang nasawi.
 
Samantala, may 2,434,429 indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID, samantalang umabot naman sa 2,307,438 ang fully vaccinated na.
 
Nasa 552,841 naman ang nabigyan na ng booster shot.  (CLJD-PIA 3)
 
 

About the Author

Vinson Concepcion

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch