Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NBI at police clearance, maaari nang makuha sa Pasig City

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na maaari nang makuha ng mga nag-apply ng NBI at Police Clearance certificates sa naganap na First Time Job Seekers Assistance Program nitong Abril sa RAVE Amphitheater.

Ayon sa Pasigy City, ang mga certificates ay maaari nang makuha sa mga sumusunod na lugar:

NBI Clearance – Public Employment Service Office (PESO), Pasig City Hall

Police Clearance – Pasig PNP Headquarters, C. Raymundo

Para sa buong listahan ng mga pangalan na makakasama sa releasing bisitahin ang mga links na ito:

NBI Clearance: bit.ly/FirstTimeJobSeekers_NBIClearance

Police Clearance: bit.ly/FirstTimeJobSeekers_PoliceClearance

Paalala sa mga kukuha ng nabanggit na document, dalhin lamang ang original copy ng First Time Job Seekers Certificate at Oath of Undertaking.

Maaaring makuha ang mga dokumentong ito hanggang sa susunod na linggo, Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Editor

Feedback / Comment

Get in touch