Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI, hinihikayat ang mga MSMEs na magparehistro

SABLAN, Benguet (PIA) -- Hinihikayat ng Department of Trade and Industry - Cordillera (DTI-CAR) ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) na iparehistro ang kanilang negosyo sa DTI.
 
Ayon kay DTI-CAR Regional Director Juliet Lucas, malaki ang maitutulong ng registration sa mga MSMEs kung saan tuturuan ang mga maliliit na negosyante kung paano mag-compute ng buwis.
 
Sa pamamagitan aniya nito ay matututunan ng mga negosyante kung paano magpataw ng presyo sa kanilang mga produkto.

Si DTI-CAR regional director Juliet Lucas sa distribusyon ng livelihood kits sa mga benepisyaryo ng Sablan nitong May 16, 2022.

"With all the services that we  are planning,  that we are bringing for the development of businesses, dapat ma-mainstream da. Haan nga kabotboteng ti agrehistro iti negosyo," giit ni Lucas.
 
Aniya, mahalaga ang pagpaparehistro para sa pagkalap ng datos na siyang panggagalingan ng mga impormasyon kung anong kaukulang tulong ang dapat maibigay sa mga ito.
 
"Taxes is the lifeblood of the government. We cannot do away with taxes. Umay da ketdin, ma-mind setting da, agrehistro da, they will be listed," dagdag ni Lucas.
 
Ang registration ang isa sa mga serbisyong iniaalok sa mga Negosyo Center na itinatayo sa bawat bayan.

Hinikayat naman ng isa sa mga negosyante ang kanyang mga kasamahan na iparehistro ang kanilang negosyo sa DTI.
 
"Mayat gayam nu adda ladta ti registration iti DTI ta at least, adda ladta met ti pakinabang. Kasi ti registration fee ket P500 and that is good for five years," ani Nelia Benito na isang negosyante.
 
Kapag nakarehistro na ang mga MSME ay maaari na silang isailalim sa consultation, mentoring, at business modeling. 
 
Ipinaalala din ni Lucas ang pagkuha ng lisensiya ng mga food processors mula sa Food and Drug Administration upang matiyak na ligtas kainin ang kanilang mga produkto. Aniya, tumutulong ang Negosyo Center sa pagkuha ng naturang lisensiya. (DEG)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch