Georgia

No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOH at mga ahensya ng pamahalaan patuloy sa 'Bayanihan, Bakunahan' Part 4

LUNGSOD NG BUTUAN -- Patuloy na nakatutok ang Department of Health (DOH) Caraga kasama ng mga lokal na pamahalaan sa "Bayanihan, Bakunahan"  Part 4 para sa mga senior citizens. 

Mas pinalakas din ang bakunahan para sa mga batang may edad 10 pataas, habang patuloy ang pagbibigay ng booster dose sa iba pang eligible priority groups.

As of March 7, may 1,399,153 na ang naitalang fully vaccinated sa rehiyon. Kaya naman mas pinaigting pa ng ahensiya ang kampanya laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) para sa tuluy-tuloy na pagbaba ng mga kumpirmadong kaso at maabot ang 70% herd immunity ng kabuuang populasyon sa bansa.

As of March 9, may kabuuang 58,670 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Caraga region. Base sa datos ng DOH, may 56,478 ang naka-recover, 75 na indibidwal ang nasa isolation, at may 2,117 na naitalang namatay dahil sa nasabing virus.

Bagamat nasa Alert Level 2 ang Caraga Region, patuloy pa ring pinaaalalahanan ang publiko sa palagiang pagsunod sa minimum health standards.

Kasabay nito, pinaigting rin ng Commission on Population (POPCOM) ang kampanya sa family planning para mas matutukan at matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Kasama ang DOH at City Health Office ng Butuan, pinangunahan din ng POPCOM ang pagbigay ng libreng bilateral tubal ligation para sa mga kababaihan sa tulong na rin ng Butuan Medical Center. Ito’y bilang tugon sa mga nagpakonsultang mag-asawa at humiling ng libreng operasyon. (JPG/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch